MANILA, Philippines - Isa nang ganap na gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao si dating Anak Mindanao representtive Mujiv Hataman.
Tinalo ni Hataman sa karera sa pagka-gobernador ng rehiyon si Pax Mangudadatu. Nakakuha si Hataman ng botong 446,227 laban sa 231,741 na boto ni Mangudadatu.
Ipinroklama na ng regional board of canvassers si Hataman nitong Huwebes ng gabi.
Nanalo rin ang katambal ni Hataman na si Haroun Al-Rashid Lucman bilang bise-gobernador sa botong 472,417. Tinambakan ni Lucman ang nakalabang si Mustaqbal Manalao na may 102, 804 boto.
Umupo bilang "caretaker" ng regional government si Hataman noong Disyembre 22, 2011 kasma si Hadja Bainon Karon ng Moro Islamic Liberation Front bilang bise-gobernador.