'Purple Vote' wagi daw kontra 'White Vote'

MANILA, Philippines – Inangkin na ng mga tagasuporta ng Reproductive Health (RH) sa pangunguna ng Philippine Legislators' Committee on Population and Development (PLCPD) ang panalo laban sa mga relihiyosong grupo base sa resulta ng botohan nitong Lunes.

Kahit hindi pa naman pormal na naipuproklama, sinabi ni PLCPD Executive Director Rom Dongeto na napatunayan nang mas malakas nag "Purple Vote" kaysa sa "White Vote."

Iniendorso ng Purple Vote ang mga kandidato na pabor sa RH.

Bilang bahagi ng kampanya laban sa RH ng Simbahang Katolika at ibang grupong relihiyoso, inilusad ang Catholic Vote Philippines at White Vote upang suportahan ang mga kandidatong hindi pabor sa kontrobersyal na batas.

"The victory of the pro-RH candidates in the recently concluded elections is an affirmation that leaders of the Roman Catholic church cannot dictate the results of the elections," sabi ni Dongeto said.

Pinuri ni Dongeto sina senatorial bets Poe, Loren Legarda, Alan Peter Cayetano, Sonny Angara and Bam Aquino dahil sa pangunguna sa karera sa pagkasenador base sa opisyal na bilang ng Commission on Elections.

Binaggit din ng opisyal ng PLCPD ang ilang kongresistang nanalo na nagsulong din ng RH noong 2012 na sina Ifugao Rep. Teddy Baguilat at Dinagat
Islands Rep. Kaka Bag-ao.

Pasok din naman sa "Magic 12" ang senatorial candidates na inendorso ng mga grupong kontra-RH na sina Koko Pimentel, JV Ejercito Estrada, Antonio Trillanes, Cynthia Villar at Gringo Honasan.

Show comments