^

Balita Ngayon

Bomba nakuha sa resort sa Zamboanga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Natuklasan ng mga pulis ang isang improvised explosive device sa isang resort sa bayan ng Buug sa Zamboanga Sibugay, ayon sa isang opisyal ngayong Miyerkules.

Sinabi ni Chief Inspector Ariel Huesca, tagapagsalita ng Police Regional Office 9 (PRO), bandang 9 ng umaga  nitong Martes nakita ang bomba na nakapaloob sa isang plastic na gallon ang bomba at itinanim sa harap ng Inland Resort sa kalye ng Magsaysay sa Purok 24, Barangay Poblacion.

Napansin ang kahina-hinalang gallon ng isang security personel ng resort kaya naman inilagay niya ito sa tapunan nila ng basura bago tinawagan ang mga pulis.

Dinisarmahan naman ito kaagad ng mga rumespondeng bomb disposal teams ng pulisya.

Sinabi ni Huesca na gawa ang IED sa improvised time fuse, non-electric blasting cap, pako at ammonium nitrate fuel oil.

Inaalam pa rin ng pulisya kung sino ang nasa likod ng pagtatanim ng bomba.

BARANGAY POBLACION

BUUG

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

DINISARMAHAN

HUESCA

INAALAM

INLAND RESORT

POLICE REGIONAL OFFICE

SINABI

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with