Comelec: Maagang proklamasyon puwede
MANILA, Philippines – Pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Martes ang proklamasyon ng mga nanalo sa lokal na halalan.
Sa Resolution No. 9700 ng Comelec, pinapayagan ng Comelec ang mga lokal nitong sangay na magsagawa ng proklamasyon ng mga nanalong kandidato kahit walang clearance mula sa Comelec en banc.
Binanggit pa ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr.na papayagan din ang proklamasyon ng mga kandidatong may malalaking lamang sa mga katungali nila kahit hindi pa nabibilang ang lahat ng mga boto, basta't hindi na ito makakaapekto sa resulta ng bilangan.
Nilinaw naman ni Brillantes na magiging legal ang proklamasyon ngunit maaari pa rin itong bawiin ng Comelecsa oras na mapatunayang may pagkakamali sa bilangan.
Sinabi ni Brillantes na inaasahan nilang huhupa na ang tensyon sa ilang lugar kapag nagkaroon na ng mga proklamasyon.
- Latest
- Trending