Convoy ng Comelec tinambangan sa Kalinga
MANILA, Philippines - Tinambangan ng hindi pa kilalang mga armadong lalaki ang election officers at mga sundalong may bitbit ng precinct count optical scan (PCOS) machines sa Tabuk City sa Kalinga ngayong Huwebes ng umaga.
Sinabi ni Col. Roger Salvador, commanding officer ng Kalinga-based 501st Infantry Brigade, dalawang sundalo na nakilala lamang sa mga apelyidong Bacacao at Patagian, kapwa may ranggong sarhento, ang nasugatan sa pagsalakay.
Dagdag ni Salvador na pinapatukan ang convoy ng Comelec sa Sitio Pasiking sa Barangay Bagumbayan bandang 9:30 ng umaga.
Dadalhin sana ng grupo ang mga PCOS machines sa mga bayan sa Lubuagan at Tinglayan sa Upper Kalinga.
Nagpakalat na ng tao si Salvador upang tugisin ang mga umatake sa Comelec convoy.
- Latest
- Trending