^

Balita Ngayon

Extended liquor ban di na itutuloy ng Comelec

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinasura na ng Commission on Elections ngayong Huwebes ang kanilang naunang resolusyon na extended liquor ban matapos maglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema ipang ipatigil ang pagpapatupad nito.

Sinabi ni Comelec chairman Sixto Brillantes Jr.  na hindi na sila aapela sa mataas na hukuman tungkol sa extended liquor ban.

"Imbes na magkomento tayo diyan, mas marami pa tayong ibang problema....-withdraw na lang natin... i-recall na lang natin 'yan. 'Di naman 'yan malaking bagay but we think five days is a reasonable period," pahayag ni Brillantes sa isang panayam sa radyo.

Sa isa pang panayam kay Brillantes ngayong Huwebes sa turn over rites ng  source code sa Comelec, sinabi ng pinuno na hiniling sa kanila ng Metropolitan Manila Development Authority na palawigin ang liquor ban.

Naglabas ng TRO ang korte suprema para sa liquor ban na ipapatupad sana ngayon hanggang sa mismong araw ng eleksyon sa Mayo 13.

Sa inilbas na TRO ay magiging dalawang araw na lamang ang liquor ban na ipapatupad sa Linggo at Lunes mismong araw ng eleksyon imbes na limag araw.

Nag-ugat ang kaso matapos mag petisyon ang dalawang kompanya ng alak -- Food and Beverage, Inc. at ang International Wines and Spirits Association, Inc. -- at sinabing inapakan ng Comelec ang awtoridad nila nang amyendahan ang Omnibus Election Code tungkol sa pagbabawal sa panahon ng eleksyon.

BRILLANTES

COMELEC

FOOD AND BEVERAGE

HUWEBES

IBINASURA

INTERNATIONAL WINES AND SPIRITS ASSOCIATION

KORTE SUPREMA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

OMNIBUS ELECTION CODE

SIXTO BRILLANTES JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with