^

Balita Ngayon

11 Pinoy workers ng luging Saudi company uuwi ng 'Pinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makakauwi na ng bansa ang 11 overseas Filipino workers (OFW) matapos matanggap ang kanilang exit visa kasunod ng pagdeklara ng kanilang pinapasukang kompanya sa Saudi ng pagkabangkarote, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Huwebes.

Ang 11 Pilipinong uuwi ay kabilang sa 97 empleyadong Pinoy ng bangkarote nang kompanyang Al-Swayeh.

Lumapit ang mga OFW sa Philippine Overseas Labor Office upang humingi ng tulong sa embahada ng Pilipinas sa Riyadh.

Ayon sa DFA, aalis ng Saudi Arabia pabalik ng Pilipinas ang 6 sa mga OFW sa Mayo 10 at ang biyahe naman ng natitirang 5 ay sa Mayo 11.

Natanggap ng 11 OFW ang kanilang flight details nitong Martes.

AL-SWAYEH

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HUWEBES

LUMAPIT

MAKAKAUWI

NATANGGAP

PHILIPPINE OVERSEAS LABOR OFFICE

PILIPINAS

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with