Situation Monitoring Room binuksan ng PNP
MANILA, Philippines – Binuksan na ng Philippine National Police ngayong Miyerkules ang monitoring center para sa eleksyon sa Mayo 13.
Pinangunahan ni PNP Chief director general Alan Purisima ang pagbubukas ng National Elections Monitoring Action Center na may mga makabagong kagamitan upang masiguro ang seguridad ng bansa bago at pagkatapos ng eleksyon.
Kasunod ng pagbubukas ng 24/7 Media Center Operations, sinisigurado ng monitoring center na matututukan ng PNP national headquarters sa Camp Crame sa lungsod ng Quezon ang bawat operasyon ng kapulisan at maitatala ang mga insidenteng may kinalaman sa eleksyon.
Mayroong video wall system ang Situation Monitoring Room upang madaling makita ang bawat sitwasyon at madaling rumesponde sa oras ng pangangailangan.
- Latest
- Trending