Sundalo patay sa pananambang sa NCotabato

MANILA, Philippines – Utas ang isang sundalong sarhento, habang dalawa ang malubhang sugatan matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan sa bayan ng Matalam, North Cotabato.

Dead on the spot si Sergeant Jomar Desabilla dahil sa tama ng mga bala sa iba't ibang parte ng katawan.

Nakikipag-inuman si Desabilla, na miyembro ng Eastern Mindanao Command sa lungsod ng Davao, kasama sina Rudy Cacayurin at Wilson Pagayon sa Barangay Sarayon sa Matalam nang paputukan sila ng mga armadong kalalakihan gamit ang kalibre .45 pistol.

Kaagad isinugod sa ospital sina Cacayurin at Pagayon na malubhang nasugatan.

Magkahiwalay na tumakas ang mga suspek, na kasalukuyang kinikilala ng Matalam municipal police.

Show comments