9 na tauhan ng Rizal jail huli sa gun ban

MANILA, Philippines - Siyam na empleyado ng Rizal provincial jail ang naaresto ng mga pulis at sundalo nang mapadaan sa isang checkpoint ng Commission on Elections (Comelec).

Nakilala ang mga inaresto na sina Ronald Loyola, Reynaldo Cerda, Julius Benico, Raldy Gregorio, Leonardo Mateo, Ascher Maghinan, Noel Cervo at Clement Bundang.

Nahuli sila sa checkpoint ng pulisya at militar sa kahabaan ng NHA Avenue, Barangay Dela Paz, Antipolo City.

Ayn sa pulisya, walang maipakitang papeles ang siyam na empleyado ng Rizal provincial jail na magpapatunay na lisensyado ang pagdadala nila ng mga baril.

Nakasakay ang siyam sa isang KIA van nang mapadaan sa checkpoint.

Nasamsam sa kanila ang tatlong .45 pistola, dalawang .38 revolvers, 2 balisong, tatlong posas at iba't ibang klase ng bala.

Nakakulong ngayon ang siyam sa Rizal Provincial Police Office at nahaharap sa kasong paglabag sa Comelec Resolution No. 9561-A na nagpapatupad ng gun ban tuwing panahon ng halalan.

Show comments