MANILA, Philippines - Abot na sa halos 3,000 ang mga nahuhuli ng Philippine National Police (PNP) simula nang ipatupad nito ang election gun ban noong Enero.
Ayon sa PNP, may 2,971 katao na ang naaaresto dahil sa paglabag sa gun ban simula Enero 13 hanggang Mayo 6.
Kabilang sa mga naaresto ang 2,739 na mga sibilyan, 128 na mga sekyu, 40 na pulis, 36 na tauhan ng gobyerno at 20 sundalo.
Umabot na rin sa 2,908 baril at 24,239 na mga bala ang nasasamsam ng pulisya simula nang ipatupad ang gun ban noong Enero 13.