Pamangkin ni mayor huli sa gun ban

MANILA, Philippines - Inaresto nitong Huwebes ng mga pulis ang pamangkin ng alkalde ng Cotabato City dahil sa paglabag sa election gun ban.

Sinabi ni Senior Superintendent Rolen Balquin sa isang panayam sa radio dxMS na nasa kustodiya na nila si Guinaid Guiani Jr. at kasamang si Nash Blah.

Nakuha kina Guiano at Blah dala ang hindi lisensyadong 45 pistol, .38 revolver at isang Luger, ani Balquin.

Ang suspek ay pamangkin ni re-electionist Mayor Japal Guiani Jr.

Naaresto si Guiani ilang araw matapos pasukin ang law office ng kanyang tiyahin na si Cotabato City administrator Cynthia Guiani-Sayadi.

Sinabi pa ni Balquin na inaalam pa rin ng mga imbestigador kung sino ang nasa likod ng panloloob na tumangay ng pera at ari-arian na aabot sa P500,000.

Show comments