Mag-inang tulak huli sa Negros

MANILA, Philippines - Tiklo ang isang mag-ina matapos mahuli sa aktong nagtitinda ng shabu sa Negros Occidnetal kamakailan, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Biyernes.

Sinabi ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. na nasakote ang mga suspek na sina Marlyn Tamayo Cordova, 54 at anak nitong si, Jerlyn Cordova Pongan, 32, kapwa nakatira sa Sto. Nino, Purok Sigay, Barangay 2, Bacolod City.

Huli ang dalawa nitong Abril 29 matapos mahulihan ng 18 sachet ng shabu na may timbangh na 3.40 gramo.

Nakakulong na ang mag-ina sa Bacolod City Jail at nahaharap sa kasong pagtutulak ng droga.

Show comments