^

Balita Ngayon

NBI natakasan ni Cezar Mancao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumakas mula sa kulungan ng National Bureau of Investigation (NBI) si dating police superintendent Cezar Mancao nitong madaling araw ng Huwebes.

Ayon kay Reynaldo Esmeralda, NBI deputy director for intelligence, bandang 1:14 ng madaling araw lumabas ng detention cell niya si Mancao.

Base sa nakita nila sa isang CCTV footage, sinabi ni Esmeralda na may bitbit si Mancao na isang bag at naglakad lamang palabas ng kanyang kulungan.

"Mag-isa siya. Dala niya ang bag niya. Palabas siya ng detention cell niya. Apparently siguro may naghihintay sa kanya na sasakyan," ani Esmeralda.

Sinabi ng opisyal ng NBI na nag-iwan pa si Mancao ng sulat kung saan nagbilin ang dating pulis na huwag gagalawin ang kanyang mga gamit nang walang ginagawang imbentaryo.

Iginiit din ni Mancao sa kanyang sulat na inosente siya sa mga bintang laban sa kanya at biktima siya ng inhustisya, ani Esmeralda.

Aniya, nagpadala na siya ng mga text message upang hikayatin si Mancao na sumuko na lamang.

Samantala, sinabi ni Esmeralda na nag-utos na siya ng isang nationwide manhunt laban kay Mancao.

Nagsasagawa na rin aniya ng imbestigasyon ang NBI Intelligence Service upang malaman kung paanong nakatakas si Mancao. Inihahanda na rin ang mga kasong administratibo laban sa dalawang guwardiya ng detention cell noong mga oras na tumakas si Mancao.

Sinabi naman ni Esmeralda na malamang na ang utos na ilipat siya sa Manila City Jail ang nagtulak kay Mancao na tumakas.

Iniutos ng korte na ilipat sa city jail si Mancao nitong Mayo 1, ngunit dahil holiday ito ay inilipat ng NBI ang iskedyul para sa paglilipat sa dating pulis ngayong araw.

ANIYA

AYON

CEZAR MANCAO

INTELLIGENCE SERVICE

MANCAO

MANILA CITY JAIL

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REYNALDO ESMERALDA

SINABI

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with