Pulis bigong arestuhin si Bangued Mayor Luna
MANILA, Philippines – Nakalusot si Mayor Ryan Luna ng Bangued, Abra sa mga pulis nitong Lunes ng gabi.
Sinabi ni Chief Superintendent Benjamin Magalong, direktor ng Cordillera regional police office, hindi inabutan ng mga pulis si Luna sa kanyang bahay at sa kanyang tanggapan sa munisipyo ng Bangued na pinapaligiran ngayon ng mga tagasuporta ng alkalde.
Ayon kay Magalong, nakikipagtulungan na sila sa Department of Justice at Bureau of Immigration upang mapigilan ang alkalde na makalabas ng bansa sa pamamagitan ng pagpapalabas ng hold-departure order.
Nitong Lunes ng umaga, pinangunahan pa ni Luna ang flag-raising ceremony sa munisipyo at nagbigay pa ng pahayag sa mga mamamahayag hinggil sa inilabas na warrant of arrest laban sa kanya.
Ipinaaaresto si Luna ng korte dahil sa umano'y kinalaman nito sa pagpaslang kay Brenda Crisologo habang nagbibilangan ng boto noong taong 2007.
Si Crisologo ay asawa ni wife of Tineg Mayor Edwin Crisologo Sr.
Si Luna ay muling tumatakbo sa pagka-alkalde. Kalaban niya sa puwesto si Dominic Valera, ama ni Abra Rep. Ma. Jocelyn Bernos ng Liberal Party.
- Latest
- Trending