MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Budget and Management ngayong Lunes na naglabas ito ng P575.3 milyon upang ipambili ng mga kagamitan para sa mga silid-aralan.
Sinabi ni Budget Secretary Florencio Abad na nagmula ang pondo sa naaprubahang budget para sa Deparment of Education (DepEd) sa ilalim ng General Appropriations Act of 2013. Nakuha ang pondo kasunod ang P10-bilyon na nakuha ng DepEd noong nakaraang buwan para sa pagpapaayos at pagpapagawa ng school buildings sa buong bansa.
“Besides meeting President (Benigno) Aquino’s goal to close the longstanding classroom gap within the year, we also want to ensure that all school buildings will be equipped with enough school tables and chairs. This will help ensure that students will no longer learn their lessons in cramped classrooms, where children are forced to share chairs or remain standing just so they can attend their classes,†pahayag ni Abad.
Dagdag niya na makakatulong ang mga bagong silya at mesa para mas makapagpokus ang mga estidyante sa kanilang mga aralin at mapabuti ang kanilang grado.
Ang Autonomous Region in Muslim Mindanao ang may pinakamalaking matatanggap mula sa pondo na aabot sa P88 milyon, habang P69 milyon sa rehiyon ng Bicol at P56 milyon sa National Capital Region.
Ayon naman sa DepEd, uunahing makatanggap ng mga bagong silya at mesa ang arts and trade schools kabilang ang technical at vocational schools.