5 sugatan sa aksidente sa SLEX

MANILA, Philippines - Limang katao ang sugatan matapos bumangga ang isang pampasaherong bus sa sinusundang 14-wheeler truck sa South Luzon Expressway sa Laguna ngayong Miyerkules.

Sumalpok ang RR CNG bus transport na patungong Batangas sa likuran ng trak na may kargang buhangin sa Kilometer 32 southbound ng SLEX sa bayan ng Biñan.

Tatlong pasahero ang naipit habang ang dalawa pa ay isinugod sa ospital, dagdag ng ulat.

Pinaghahahanap ngayon ng mga pulis ang tsuper ng bus na kaagad tumakas matapos mangyari ang aksidente.

Show comments