Dating rebelde inilutang ng AFP sa 'mistaken identity' case
MANILA, Philippines – Isang dating rebelde ang tumestigo ngayong Huwebes sa korte upang patunayan na isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) ang dinakip ng military na si Benjamin Mendoza.
Positibong kinilala ng 40-anyos na si Luis Rayos si Mendoza sa pagdinig ng writ of habeas corpus sa Court of Appeals.
Sinisabi ng grupong Karapatan na biktima ng mistaken identity ang security guard na si Ronaldo Panesa na sinasabi ng military na siyang si Mendoza.
Sa isinagawang cross examination, sinabi ni Rayos na nakatrabaho niya si Mendoza ng tatlong taon mula 2003 hanggang 2005. Dagdag ng testigo na isang beses sa isang buwan sila magkita ni Mendoza upang kunin ang buwanang pondo ng kanyang yunit.
Sinabi pa nito na si Mendoza ang nasa litrato, ngunit matapos ang ilang katanungan ay naging taliwas ang pahayag nito at sinabing ang nakita niyang Mendoza ay hindi namamaga at lamog ang mukha.
"Galos lang ang nasa mukha niya," pahayag ni Rayos sa pagdinig ng naturang kaso.
Sa kaparehong taon ay nagtatrabaho si Panesa bilang security guard sa Megaforce Security Co. Kamakailan ay nagharap si Panesa, sa tulong ng National Union of Peoples’ Lawyers, ng mga papeles na nagpapatunay na hindi siya si Benjamin Mendoza.
Kabilang sa mga papeles ay ang kanyang kontribusyon sa Social Security System at mga employment pay slips.
Nais naman ng Karapatan na makasuhan si Rayos ng perjury sa dahil sa umano'y pagsisinungaling sa korte.
"His statements were inconsistent and did nothing to prove that security guard Panesa is “Mendozaâ€. All he did was to point his finger to Panesa, the lone person in the court who was wearing a BJMP (Bureau of Jail Management and Penology) prison shirt," ani Karapatan secretary general Cristina Palabay.
Samantala, nabigo ang Office of the Solicitor General, siyang tumatayong abogado para sa Armed Forces of the Philippines, na ilabas ang pangalawang testigo ng militar. Biro rin itong ilutang at kilalanin sa korte ang pangatlo nilang testigo laban kay Mendoza.
"It is ridiculous that after 10 hearings the identity of the AFP’s third witness is unknown even to the OSG and the CA Justices. The AFP comes up with every excuse and lie to delay the proceedings," sabi ni Palabay.
Sinabi ng Karapatan na dinakip si Panesa kasama ng kanyang asawa at anak noong Oktubre 7, 2012 sa lungsod ng Quezon City sa bisa ng warrant of arrest para kay Benjamin Mendoza.
Ayon sa Karapatan, pinahirapan si Panesa upang piliting umamin na siya si Mendoza.
Nakakulong ngayon si Panesa sa Special Intensive Care Area ng Bicutan Jail.
- Latest
- Trending