Poll task force para sa mga guro binuo ng DepEd
MANILA, Philippines - Inihayag ng Department of Education ngayong Miyerkules ang pagbubuo ng election task force (ETF) sa kanilang central office sa lungsod ng Pasic upang masiguro ang buong suporta sa mga guro na tatayong Board of Election Inspectors para sa halalan sa Mayo 13.
Itinalaga ni Education Secretary Armin Luistro si Undersecretary for Legal Affairs, na si Atty. Alberto Muyot bilang pinuno ng Steering Committee.
Sisiguraduhin ng ETF na aasikasuhin ang kapakanan ng mga guro sa pagbibigay ng impormasyon gayun din ang tulong teknikal at legal bilang mga miyembro ng BEI.
Tutulungan din ng ETF ang lahat ng principals, supervisors, schools division/city superintendents at iba pang empleyado ng DepEd na tutulong sa eleksyon 2013.
"Our DepEd personnel deserve all the support they need to enable them to better perform this noble duty of overseeing the conduct of an honest and free elections," pahayag ni Luistro.
Magbubukas ang 2013 ETF Operation Center sa 1 ng hapon sa Mayo 12 hanggang 12 ng tanghali sa Mayo 14 sa DepEd Bulwagan ng Karunungan.
Pinaalalahanan ni Luistro ang mga tauhan ng DepEd na maging non-partisan at huwag makilahok sa mga kampanya ng mga pulitiko.
Magiging tulay din ng DepEd ang ETF para sa mga volunteer organizations, kapartner na ahensya at mga indibidwal na kabilang sa eleksyon 2013.
- Latest
- Trending