^

Balita Ngayon

5-man team ng PCG tutulak sa Japan para sa 'Guardian' probe

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang opisyal ng  Philippine Coast Guard (PCG) ang tutungo sa Japan ngayong Miyerkules upang lumahok sa ikalawang yugto ng imbestigasyon sa pagsadsad ng USS Guardian sa Tubbataha Reef noong Enero 17.

Pupunta ang five-man Coast Guard Marine Casualty team ng PCG sa United States' naval base sa Sasebo, Japan upang makipagpulong sa iba pang opisyal.

Pangungunahan nina Coast Guard deputy commandant and marine casualty team chairman Rear Admiral Luis Tuason Jr. at Palawan commander at team vice chairman Commodore Enrico Evangelista ang delegasyon ng PCG.

Sinabi ni PCG commandant Rear Admiral Rodolfo Isorena na makikipagpalitan ng impormasyon ang five-member team sa US Navy at maaaring bumalik sila sa bansa sa Biyernes.

Dagdag niyo na may 10 araw ang grupo upang makapaghanda at makapagpasa ng ulat sa Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya bago idiretso kay  President Benigno Aquino III.

Lumabas sa imbestigasyon na 2,345.67 square meters na bahura ang nasira ng USS Guardian.

Noong Marso 30 lamang natanggal ng salvage team ang barko sa UNESCO World Heritage site.

Ilang araw lamang matapos matanggal ang USA Guardian ay isa namang Chinese fishing vessel na may 12 tripulante ang sumadsad sa mga bahura noong Abril 8.

Nakasuhan na ang mga Intsik ng poaching at bribery.

COAST GUARD

COAST GUARD MARINE CASUALTY

COMMODORE ENRICO EVANGELISTA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

NOONG MARSO

PHILIPPINE COAST GUARD

PRESIDENT BENIGNO AQUINO

REAR ADMIRAL LUIS TUASON JR.

REAR ADMIRAL RODOLFO ISORENA

SECRETARY JOSEPH EMILIO ABAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with