Negosyanteng babae utas sa pananambang sa Maynila

MANILA, Philippines - Utas ang isang babaeng negosyante matapos tambangan ng dalawang lalaking nakamotor sa lungsod ng Maynila ngayong Biyernes ng umaga.

Namatay si Fatima Salabi, 29, dahil sa maraming tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay si Salabi at kanyang asawa, kasama ang dalawa pang empleyado nila, papauwi sa kanilang bahay sa lungsod ng Parañaque nang tambangan sila sa Malvar Street sa Ermita.

Agad na isinugod sa Manila Medical Center si Salabi kung saan siya idineklarang patay.

Inaalam pa rin ng pulisya ang motibo sa pamamaril.

Show comments