MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude-6.1 magnitude na lindol ang Batanes ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Tumama ang lindol sa layong 40 kilometro hilagang-silangan ng Basco, Batanaes bandang 4:20 ng umaga.
May lalim na 25 kilometro ang lindol na tectonic ang origin.
Naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity 5 sa mga bayan ng Mahatao, Ivana, Basco at Itbayat at Intensity 4 namna sa Sabtang at Uyugan.
Dalawang aftershocks ang tumama sa probinsya sa lakas na magnitude 4.8 at 4.9.
Wala namang naiulat na nasaktan sa magkakasunod na lindol.