^

Balita Ngayon

Negosyanteng Pinoy 'most optimisitc' sa buong mundo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pumangalawa ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang may optimistic business leaders ayon sa inilabas na pag-aaral ng Grant Thornton International Business Report.

Inilabas ang ulat ng accounting firm na Punongbayan & Araullo ngayong Miyerkules kung saan lumabas na 90 porsiyento ng negosyanteng Pilipino ang may malakas na kumpiyansa sa ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan.

Sakop ng survey ang unang tatlong buwan ng taon at lumabas na umangat ito ng 18 porsiyento kumpara noong huling tatlong buwan ng 2012 upang maging pangalawa sa Peru na nakakuha ng 98 porsiyento.

Ang nakuhang puntos ng Pilipinas ay mas mataas sa global average na 27 porsiyento, habang 29 porsiyento sa Association of Southeast Asian Nations.

“Leading up to 2013, there were several positive forecasts for the Philippines, with independent economists projecting stronger growth for the next couple of years. So there is good foundation for this surge in optimism among business leaders,” pahayag ni Marivic Españo, chair at chief executive officer ng P&A.

“And I think businesses here are picking up on the improving mood in the more mature markets, such as the US and Japan,” dagdag niya..

Pero kahit na positibo ang resulta, pinuna ng survey ang kakulangan ng Pilipinas sa mga skilled workers.

“Considering this picture, business leaders may run into problems filling positions in their organization,” sabi ni Españo.

“It’s an unfortunate situation, because we have a 7.1 percent unemployment rate and yet executives are complaining that they can’t find talent. Perhaps the private sector and the academic community can work together to address this gap before it gets bigger,” dagdag ni Españo.

ARAULLO

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS

ESPA

GRANT THORNTON INTERNATIONAL BUSINESS REPORT

INILABAS

MARIVIC ESPA

MIYERKULES

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with