MANILA, Philippines - Naghayin ng petisyon ang anak ni Marinduque Gov. Carmencita Reyes nitong Lunes sa desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na nag-aalis sa kanya bilang kandidato sa pagka-congresswoman sa halalan sa Mayo.
Ayon kay dating Comelec commissioner Gregorio Larrazabal, abogado ni Regina Ongsiako Reyes, nagsampa na sila ng motion for reconsideration sa Comelec en banc upang baligtarin ang naunang desisyon ng First Division.
"The ruling is simply premised on the supposition that Reyes is not a Filipino citizen," pahayag ni Larrazabal.
Aniya, tunay na Pilipino si Regina at kailanman ay hindi ito nawala sa kanyang kliyente.
“The simple fact is that Regina Ongsiako Reyes is a natural-born Filipino and had never renounced nor lost her Filipino citizenship at any point in her life,†giit ni Larrazabal.
Dagdag ng abogado na kahit naglabas ng desisyon ang Comelec ay nananatiling si Reyes pa rin ang official congressional candidate ng Liberal Party sa lone district ng Marinduque.
"There has been no let-up in her campaign sorties since she is not prohibited from doing so,†sabi ni Larrazabal.
Sinabi naman ni Reyes na kahit may pending disqualification case siya sa Comelec ay ipagpapatuloy pa rin niya ang pangangampanya.
“It’s nothing but a harassment case intended to sow confusion among the voters in Marinduque," ani Reyes.