Task Force Nancy binuo ng pulisya
April 9, 2013 | 3:12pm
MANILA, Philippines - Bumuo ang pulisya ng Task Force Nancy na tututok sa kaso ng live-in partners na dinukot nitong Linggo sa Zamboanga City.
Sinabi ni city police director Senior Superintendent Edwin de Ocampo na hindi pa rin nakakausap ng mga kamag-anak ng mga nawawalang sina Nancy Lucero-Gunato, 38 at Ronnie San Dagon, 50, ng Ocean World Marine na nagtitinda ng marine products.
Tinutukan ng limang armadong kalalakihan ang mga biktima sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Baliwasan bandang 12:05 ng umaga.
Nasa tabing-dagat ang barangay kaya naman madaling nakatakas ang mga suspek at mga biktima nila sakay ng bangkang de motor.
Natagpuan ng mga awtoridad ang bangka sa probinsya ng Zamboanga Sibugay pero walang nakuhang impormasyon tungkol sa mga biktima.
“So far there has been no communication from the victims and their abductors,†sabi ni De Ocampo.
Sinabi ni De Ocampo na binuo nila ang Task Force Nancy upang tutukan ang kaso.
Hinihinala ni De Ocampo na may kinalaman sa pinagkakakitaan ng mga biktima ang pagdukot sa kanila.
Patuloy naman ang pakikipag-usap ng mga imbestigador sa mga nakasaksi upang makilala ang mga nandukot sa dalawa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended