^

Balita Ngayon

Disqualification case vs Erap ibinasura

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Martes ang disqualification case kontra kay dating Pangulong Joseph Estrada na tumatakbo sa pagka-alde sa lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Commissioner Elias Yusoph, presiding officer ng 2nd Division ng Comelec, na nabigong maghayin ng sapat na ebidensya ang petitioner na si Danilo Formoso upang baligtarin ang unang desisyon ng Comelec noong 2010 na maaring tumakbo si Estrada sa halalan.

Anang 2nd division, naibalik ang karapatan ni Estrada na tumakbo para sa anumang puwesto sa gobyerno nang bigyan siya ng pardon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Nakulong si Estrada dahil sa kasong pandarambong.

Tumakbo sa pagkapangulo si Estrada noong 2010 ngunit natalo sa kasalukuyang Pangulong Benigno Aquino III. Inaasam ni Estrada ngayong ang pinakamataas na puwesto sa Maynila laban kay re-electionist Manila Mayor Alfredo Lim.

Nauna nang ibinasura ang dalawang disqualification cases na inihayin ng dalawang residente ng Maynila laban kay Estrada kung saan kinukwestyon kung legal bang residente ng lungsod ang dating pangulo.

ANANG

COMELEC

COMMISSIONER ELIAS YUSOPH

DANILO FORMOSO

ESTRADA

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MAYNILA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with