Bayan kay P-Noy: Utusan ang AFP na isiwalat ang katotohanan
MANILA, Philippines – Nanawagan ang militanteng grupong Bayan ngayong Martes kay Pangulong Aquino III na utusan ang militar na isiwalat na ang lahat ng kanilang nalalaman sa pagkawala ng aktibistang si Jonas Burgos.
Ginawa ng grupo ang panawagan kasunod ang paghayin ng ex parte motion ng pamilya ni Burgos sa Korte Suprema base sa lumabas na bagong ebidensya na ang Armed Forces of the Philippines ang nasa likod ng pagkakawala ni Jonas.
Ipinasa ni Edith Burgos, ina ni Jonas, sa mataas na hukuman ang selyadong envelope na naglalaman ng “AFP records of Jonas abduction†kasama ang after-apprehension report, pangalan ng mga operatiba na dumakip kay Jonas, litrato ni Jonas habang nasa kustodiya ng military, psycho-social report at “biography†ni Jonas.
Nitong nakaraang buwan, inilabas din ng Court of Appeals ang kanilang desisyon at sinabing ang AFP at si Major Harry Baliaga ang may kinalaman sa pagkakawala ni Jonas.
"There is a renewed clamor for the AFP to surface Jonas and to reveal all information related to his abduction. As commander-in-chief, it is the duty of Aquino to ensure that the AFP cooperates fully with the courts and other institutions," pahayag ni Bayan Secretary General Renato Reyes, Jr.
Anila, kailangang isiwalat ng AFP ang katotohanan at maaari nila itong gawin kahit walang utos ng korte.
"The AFP can do this even without any court order. The AFP cannot feign ignorance. The AFP must reveal the truth. Already, there is new evidence coming to light pointing to the involvement of the military,†dagdag ni Reyes.
Sinabi pa ni Reyes na sa nakalipas na limang taon ay wala masyadong ginawa ang AFP sa paglalabas ng katotohanan.
Nagsagawa ng sariling imbestigasyon ang pamilyang Burgos at human rights group na Karapatan kahit walang tulong ang AFP, dagdag ni Reyes.
"On this matter, the President must impress on the entire AFP leadership, that it is now time to come clean. It is time to end the cover-up. More than the sorties of the Liberal Party, this matter deserves the utmost attention of the President," ani Reyes.
- Latest
- Trending