Negosyante utas sa North Cotabato

MANILA, Philippines – Utas sa pananambang ang isang negosyante nang barilin ng hindi pa nakikilalang armadong lalaki sa Tulunan, North Cotabato nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni Senior Inspector Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan municipal police, ang biktimang si Marcial Ylanan na namatay dahil sa iba’t ibang tama ng baril sa katawan.

Inaasikaso ni Ylanan ang kanyang mga customer nang lumapit ang isang naka-maong na pantaloon at t-shirt at ilang ulit na pinagbabaril gamit ang kalibre .45.

Tumakas ang suspek gamit ang isang motorsiklo at natangay pa nito ang wallet ni Ylanan.

Ito na ang ikalawang insidente ng pamamaril sa Tulunan sa loob ng tatlong linggo, ayon sa mga imbestigador.

Masuwerteng nakaligtas ang mag-asawang negosyante nang tambangan din sa Barangay Sibsib sa Tulunan.

Show comments