^

Balita Ngayon

Bill para sa mga bata sa panahon ng kaguluhan isusulong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nangako ang ilang mambabatas ngayong Lunes na maghahayin sila ng panukalang batas na magpapatawa ng parusa sa mga lalabag sa karapatan ng mga bata sa panahon ng giyera o may labanan sa kanilang mga lugar.

Sinabi ng mga kongresista na isusulong nila sa 16th Congress ang panukalang batas na magpapataw ng habambuhay na pagkakulong at P5 milyon na multa sa sinumang lalabag sa karapatan ng mga bata sa mga lugar na may armed conflict.

Ayon kay Zamboanga 1st District Representative at Deputy Speaker Maria Isabelle Climaco, mahalagang usapin ang kaligtasan ng mga bata tuwing may giyera.

“The Philippines has a long history of armed conflicts. Filipino children are the most affected by these conflicts impacting severely on their lives,” pahayag ni Climaco na isa sa mga may-akda ng House Bill 4480.

Sinabi pa ni Climaco na matindi ang mga klase ng paglabag sa karapatan ng mga bata na nauuwi pa sa pagkamatay nila.

Marami din sa mga batang nilalabag ang karapatang pantao ang pinagsasamantalahan o ginagahasa, pinapahirapan at iba pang klase ng marahas na pagpapahirap.

Idinagag pa ni Climaco na paglabag din sa karapatan ng mga bata ang pag-atake sa mga paaralan at mga ospital.

“During conflicts, children experience the loss of access to food, water, sanitation, health, education and other basic services and humanitarian assistance,” sabi ni Climaco.

Idinagdag pa ng mambabatas na dahil sa mga labanan o giyera ay namumulat ang mga mata ng mga bata sa karahasan at ang ilan sa kanila ay hinihikayat pang sumali sa paggawa ng kaguluhan.

Samantala, sinabi ni Marikina City 1st District Rep. Marcelino Teodoro na kabilang sa paglabag sa karapatang pantao ng mga bata ang pagpatay, pagpapahirap, pananamantala, malupit, hindi makatao at mapang-alipustang pagtrato o parusa.

Ang sinumang kamag-anak hanggang sa ikatlong antas ng bata na hinayaang sumali sa mga armadong grupo ay mahaharap sa anim hanggang 12 taong pagkakakulong.

“The bill shall provide relief, protection and rehabilitation to all children and to end impunity and prosecute those responsible especially for grave child rights violations in armed conflict,” sabi ni Teodoro.

Mayroong anim na mambabatas ang may-akda sa panukalang nakatakdang isumite sa House of Representatives pagpasok ng 16th Congress.

BATA

CLIMACO

DEPUTY SPEAKER MARIA ISABELLE CLIMACO

DISTRICT REP

DISTRICT REPRESENTATIVE

HOUSE BILL

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MARCELINO TEODORO

MARIKINA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with