^

Balita Ngayon

Brod Eddie: HR claims board nasaan na?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinuwestyon ni Bangon Pilipinas lone senatorial candidate Eddie Villanueva ngayong Lunes ang sinseridad ng gobyerno sa pagbibigay ng kompensasyon sa mga biktima ng martial law dahil na rin sa hindi pa pagpapatupad ng Human Rights Victims Reparation and Recognition Act.

Pinuna ni Villanueva ang hindi pa pagpapatupad sa batas kung saan ang unang hakbang ay ang pagbubuo ng Human Rights Victims’ Claims Board. Ang Board ang mamamahala sa pagbalangkas ng implementing rules and regulations (IRR) ng batas gayundin ang pagsasala ng mga aplikasyon ng mga biktima ng martial law.

Aniya, dahil sa wala pang nakikitang pag-unlad sa nasabing batas unti-unti nang humuhupa ang kasiyahan ng mga biktima matapos maipasa ang batas.

Nagtataka si Villanueva kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring nabubuong Claims Board gayung marami namang kwalipikado upang umupo dito.

“I don’t understand what is taking the government so long just to form the Claims Board. We have so many people qualified to fill up these open positions, and a group of Martial Law victims even provided a list of nominations,” sabi ng tumatakbo sa pagka-senador na si Villanueva.

Umaasa si Villanueva na hindi magiging ningas-kugon ang usapin kung saan maraming biktima at mga kamag-anak nila ang umaasa dito.

“We just hope that this will not be a case of ningas cogon. Victims and their families have waited long enough to be recognized and compensated for the abuses they were made to suffer during the Martial Law years. The government should not add to this long wait by dragging its feet on the implementation of the law,” dagdag ng Jesus is Lord founder.

Ayon kay Villanueva, maraming biktima ang umaasa sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III na maipapatupad kaagad ang batas dahil na rin sa biktima ang kanyang ama sa kalupitan ng diktaturya.

“We owe it to Ninoy and others who were martyred and made to suffer various forms of abuses during the Martial Law to immediately implement the Human Rights Victims Reparation and Recognition Act. Many of the victims and their families expect PNoy to prioritize this law’s implementation given his proximity to this issue. I hope the government does not disappoint them,” sabi ni Villanueva.

Pinirmahan ni Aquino ang batas noong Peb. 25, 2013 kasabay ng paggugunita sa EDSA People Power revolution.

ANG BOARD

BANGON PILIPINAS

CLAIMS BOARD

EDDIE VILLANUEVA

HUMAN RIGHTS VICTIMS

HUMAN RIGHTS VICTIMS REPARATION AND RECOGNITION ACT

LAW

MARTIAL LAW

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with