MANILA, Philippines - Nakikiisa ang isang grupong mula sa Hong Kong sa iba't ibang grupo sa paghahanap ng hustisya para sa pinaslang na pinuno ng indigenous group sa Mindanao.
Nanawagan si Kowloon Union Church council member Ramon Bultron kay Pangulong Benigno Aquino III na bigyang hustisya si Cristina Morales at iba pang biktima ng extrajudicial killings at paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas.
"The Kowloon Union Church joins the many human rights advocates and peace-loving people in the Philippines and around the world in condemning the recent killing of Cristina Morales Jose," pahayag ni Bultron.
Tinambangan ng armadong lalaking sakay ng motorsiklo ang konsehal ng Brgy. Binondo sa bayan ng Bangaga, Davao Oriental na si Jose nitong Marso 4.
"We in the KUC call on the President Aquino to find it in his hearts the will and the strength to give justice to the brutal slaying of Cristina Morales Jose and all the victims of human rights violations," sabi ni Bultron.
Sinabi pa ni Bultron na hindi imposibleng maabot ang hustisya sa bansa.
"The way towards justice and peace is hard, painful and full of challenges but it is never impossible to reach it," dagdag ni Bultron.
Isa si Jose sa mga nanawagan sa Department of Social Welfare and Development sa agarang pagpapalabas ng mga saku-sakong bigas para sa mga biktima ng bagyong Pablo na nanalasa sa ilang parte ng Mindanao.