Lumalabag sa gun ban nasa 2K na

 

MANILA, Philippines - Aabot na sa halos 2,000 katao ang nahuling lumalabag sa election gun ban ng Commission on Elections (Comelec), ayon sa Philippine National Police (PNP) ngayong Biyernes.

Mula ng ipatupad ang gun ban noong Enero 13 ay 1,980 katao na ang inaresto ng PNP dahil sa ilegal na pagdadala ng armas, matatalim na sandata, at mga bala.

Sinabi pa ng PNP na sa bilang ng mga nahuli, 13 ay sundalo, 23 ang pulis, 26 ang opisyal ng gobyerno, isang bumbero, at 99 na security guards. 

Idinagdag pa ng PNP na 1,944 na iba't ibang matataas at mabababang kalibre ng baril ang kanilang nakumpiska.

Nasabat din ng mga awtoridad ang 102 firearm replicas, 105 granada, 299 explosive devices, at 17,044 na iba't ibang bala.

Show comments