Mag-asawang tulak ng droga tiklo sa Makati

MANILA, Philippines - Aabot sa P90,000 halaga ng droga ang nakumpsika sa isang mag-asawa sa Lungsod ng Makati nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa pulisya.

Nakorner ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Cecilia Arcilla at Nonilo Manjares sa buy-bust operation bandang 8:30 ng gabi.

Nakuha mula sa mga suspek ang shabu na may timbang na 25 gramo at drug paraphernalia.

Nakakulong sa Makati Police station ang dalawang suspek.

Show comments