7.5M Pinoy walang birth certificate, 'di makaboto

MANILA, Philippines – Aabot sa 7.5 milyong Pilipino ang hindi nakakaboto at hindi makapasok sa high school dahil walang rekord ang gobyerno ng kanilang kapanganakan, ayon sa isang grupo nitong Biyernes.

Sinabi ng Child-centered Plan International, isang non-profit organization sa UK, sa mga mamamahayag ngayong Biyernes na 2 sa 10 bata sa 500 komunidad sa bansa ang walang birth certificate.

Idinagdag ng grupo na marami sa kanila ay mula sa mga liblib na lugar ng bansa at hindi nakakatuloy sa high school lalo na sa kolehiyo dahil pawang mga walang birth certificate upang magbigay patunay sa kanilang edad at pagkakakilanlan.
 
Ang ARMM ang may pinakatamaas na bilang ng hindi rehistradong mga residente na aabot sa 970,000 katao, ayon kay Carin van der Hor, Plan country director ng organisasyon.
 
"It means that out there a lot of Filipinos do not enjoy the right to a name and a nationality, this is a basic human right. It means they cannot prove their identity. (They) have difficulty enrolling in schools, applying for jobs, securing travel documents," pahayag ni van der Hor.
 
Nagiging hadlang para sa mga hindi rehistrado ang pahirapang pagsasaayos ng papeles kung saan kailangan pang magbayad ng P30 hanggang P400, bukod pa dito ang pamasahe upang makapunta sa pinakamalapit na opisina ng gobyerno.
 
"High fees and the distance of the registration office from where they live really hinder the process," dagdag ni der Hor.
 
Samantala, ikinababahala din ni van der Ho rang kapakanan ng mga bata dahil maaari silang maabuso at sapilitang pagtrabahuhin sa kawalan nila ng birth registration.
 
"Minors whose age cannot be verified through official record may become a very easy pray for human trafficking and in fact we've seen that happen," sabi ni Van der Ho.
 
Dagdag niya na magiging proteksyon din ng mga bata ang birth registration upang hindi maaabuso ng mga sindikato.
 
"Needless to say, birth registration is a child protection tool that helps ensure that children in conflict with the law are not treated as adults, for instance, and it reduces the risk of children being trafficked, among others," sabi ni van der Hor.

Show comments