Pagtaas ng matrikula tinututulan ng Adamson students
MANILA, Philippines - Umalma ang mga estudyante ng Adamson University sa nagbabadyang pagtataas ng singil sa matrikula para sa susunod na semestre.
Nagsagawa ng protesta ang mga estudyante ngayong Miyerkules ng umaga sa harap ng kanilang paaralan sa kalye ng San Marcelino, Ermita, Manila upang tutulan ang muling pagtataas ng singil.
Sinabi ng grupo ng mag-aaral na kamakailan lamang ay inaprubahan ng administrasyon ang 10 porsyentong pagtaas sa basic tuition.
Ito na ang ikatlong sunod na taon na nagtaas ng singil sa matrikula ang Adamson University kaya naman idinadaing na ito ng mga estudyante.
Sinabi ng Stand Adamson na ang protesta ay isinagawa nila bilang pagtutol sa commercialization ng edukasyon sa bansa na ipinaglalaban din ng mga youth at student’s groups sa iba't ibang unibersidad.
- Latest
- Trending