UP Manila chancellor nagpaliwanag
MANILA, Philippines – Ipiliwanag ng pamunuan ng University of the Philippines Manila na sumunod lamang ito sa patakaran ng paaralan kaya hindi naaprubahan ang loan ng ni Kristel Tejada na nagpakamatay dahil hindi nakapagbayad ng matrikula.
"We all wanted to help," sabi ni UP Manila Chancellor Manuel Agulto sa pulong-balitaan sa UP Diliman ngayong Lunes.
Sinabi ni Agulto na nahuli ang pag-apela ng ama ni Tejada para sa student loan ngayong ikalawang semestre. Aniya, pagpayag sa apela ng ama ni Tejada ay isang paglabag sa patakaran ng paaralan.
“Since it is a violation of Article 332 of the University Code, the appeal could no longer be accommodated as it will set a precedent,†ani Agulto.
Inihayin ng ama ni Tejada ang apela sa loan noong Enero 23, na kalagitnaan na ng semestre kaya naman huli na ito at hindi inaprubahan.
Noong Disyembre 19, 2012 ay humingi na rin ng tulong ang ama ng biktima ng halagang P6,377 upang mabayaran ang matrikula sa unang semestre.
Umapela si Tejada noong Setyembre 27, 2012 upang ma-reassess at mailagay ang anak sa mas mababang bracket ng Socialized Tuition and Financial Assistance Program ng paaralan ngunit ibinasura ito dahil sa kakulangan ng mga papeles, sabi ng Chancellor ng UP Manila.
Nagpakamatay si Tejada nitong nakalipas na linggo matapos hindi kayanin ang kanyang nararamdaman sa kabiguan niyang makapagbayad ng matrikula.
Ayon kay Agulto, ang kaso ni Tejada ay "isolated" at sadyang nakalulungkot.
Sa pulong-balitaan, halos maiyak si Agulto sa pagtangging ang pamunuan ng UP Manila ang dapat sisihin sa pagpapakamatay ni Tejada.
“Our compassion has been questioned. We’ve been portrayed as cold-hearted..." sabi ni Agulto.
Iginiit niyang: "We are not enemies…I would like to consider myself as a surrogate parent [to the students].â€
- Latest
- Trending