^

Balita Ngayon

2 magtotroso patay sa pamamaril sa Zamboanga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  - Utas ang dalawang mangtotroso sa isang armadong grupo ng mga lalaki sa Dinas, Zamboanga del Norte, ayon sa pulisya ngayong Lunes.

Pinangalanan ni Chief Inspector Ariel Huesca, tagapagsalita ng Police Regional Office 9 (PRO), ang mga biktimang sina Rodulfo Clarin at Cristopher Tagayan na kapwa residente ng Barangay San Pablo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagpuputol ng mga puno ng niyog ang dalawang biktima bandang 7 ng umaga sa sitio Campo Uno nang lumitaw ang apat na armado at nakamaskarang lalaki.

Ayon sa mga saksi, nagmakaawa pa ang mga biktima na hwuag silang patayin ngunit hindi sila pinakinggan ng mga suspek.

Isa sa mga nakamaskarang lalaki ang pumaslang sa dalawang magtotroso gamit ang M16 rifle.

Kaagad tumakas ang mga salarin tangay ang chainsaw na ginamit ng mga biktima sa pagpuputol ng mga troso.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng pagpatay sa dalawang biktima.

vuukle comment

AYON

BARANGAY SAN PABLO

CAMPO UNO

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

CRISTOPHER TAGAYAN

DINAS

INAALAM

POLICE REGIONAL OFFICE

RODULFO CLARIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with