MANILA, Philippines – Inalerto na ng Philippine Navy ang mga yunit nito sa buong bansa bilang paghahanda sa Semana Santa.
"[The alert will be implemented] to maintain readiness for any situation that may arise," pahayag ng tagapagsalita ng Navy na si Lt. Cmdr. Gregory Fabic.
Sinabi ni Fabic na nakaalerto ang buong hukbo habang nagninilay-nilay ang mga Katoliko sa bansa sa Kuwaresma.
May 80 hanggang 110 barkong pandigma ang Philippine Navy na may tinatayang tauhan ng 24,000.
Sa naturang bilang, mahigit 30 ang ikinalat sa mga karagatan ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi (Basulta) upang bantayan at alalayan ang mga nagsisilikas na mga Filipino mula sa Sabah, Malaysia.
Nauna nang sinabi ni Fabic na hindi mapapabayaan ng Philippine Navy ang ibang lugar sa kabila ng pagtatalaga ng mas maraming barko sa Basulta area.