Dating pulis, bumbero tiklo sa drug raid sa CamSur

MANILA, Philippines – Isang dating pulis at isang bumbero ang naaresto ng mga tauahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsalakay ng mga ito sa Bula, Camarines Sur.

Kinilala ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. ang mga suspek na sina dating Police Officer 2 Bienvenido Amador, 50, at Fire Officer 3 Fernando Tique, 44. Nadakip din ng mga operatiba ang 26-anyos na si Hazel Antioquia.

Naaresto ang tatlo sa isinagawang pagsalakay ng PDEA sa bahay ni Amador sa Barangay Salvacion.

Nasamsam ng mga operatiba sa bahay ni Amador ang isang pakete ng shabu, mga drug paraphernalia at baril.

Bukod sa kasong droga, sasampahan din ng kasong illegal possession of firearms si Amador, na natanggal sa pagkapulis matapos mag-AWOL.

Inaresto rin ng mga operatiba sina Tique at Antioquia na kapwa naabutan sa bahay ni Amador.

Show comments