^

Balita Ngayon

Peace talks sa pagitan ng MILF at gov't tuloy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuloy sa susunod na linggo ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kabila ng gulo sa Sabah sa pagitan ng puwersa ng Malaysia at ng mga tauhan ng Sultanato ng Sulu.

“As far as we are concerned, it will resume as scheduled,” sabi ni MILF chief negotiator Mohagher Iqbal sa isang panayam ngayong Miyerkules.

Hindi sinabi ni Iqbal kung kailan ang mismong araw ng pag-uusap ngunit sinabi niyang nakatakda ito sa ikatlong linggo ng Marso.

Aniya, ipagpapatuloy nila ang pag-uusap tungkol sa normalization gayun din ang wealth at power sharing.

“There is no timeframe (for the completion of the discussions) but we have to fast-track this,” dagdag ni Iqbal.

Pinirmahan ng gobyerno at ng mga negosyador ng MILF ang Annex on Transitional Arrangements and Modalities sa 36th round ng formal exploratory talks na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Pebrero 25 hanggang 27.

Nakasaad sa usapan ang pagbuo ng Bangsamoro region na papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sinabi ni Iqbal na walang epekto sa negosasyon ang kasalukuyang kaguluhan sa Sabah.

“The two governments - the Malaysian government and the Philippine government – are trying to resolve the issue as soon as possible,” pahayag ng MILF official.

May mga usap-usapan na ang kaguluhan sa Sabah ay pinlano ng iba’t ibang grupo upang isabotahe ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at MILF.

Ilang kritiko ang nagkomento na gawa-gawa lamang ng Malacañang ang ‘conspiracy theory’ upang pagtakpan ang kapalpakan nito sa pag-aasikaso sa isyu.

ANIYA

AUTONOMOUS REGION

IQBAL

KUALA LUMPUR

MOHAGHER IQBAL

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MUSLIM MINDANAO

SABAH

TRANSITIONAL ARRANGEMENTS AND MODALITIES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with