^

Balita Ngayon

Proteksyon dapat ibigay ni PNoy sa royal army - Marcos

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi makapaniwala si Senador Bongbong Marcos Jr. na sa halip na tulungan ay kaso pa ang ibabato ng administrasyong Aquino sa mga tauhan ng Sultanato ng Sulu na tumungo sa Sabah upang muling igiit ang karapatan nila sa isla.

Ikinagalit ni Marcos ang hindi pagbibigay ng tulong ng gobyerno sa mga kapwa Filipino at hindi pagpapahalaga sa buhay ng tao.

“The men of the Sultan have already declared a unilateral ceasefire. Their lives are now at stake. Our government should be most vigorous in protecting their lives, Filipino lives, not busy with finding ways of charging them with unlawful acts. Unbelievable!” sabi ni Marcos.

Ayon sa mga ulat, umabot na sa 61 na mga miyembro ng royal army ng Sultanato ng Sulu ang nasasawi sa patuloy na opensiba ng Malaysian security forces sa Lahad Datu.

“Why are we not helping our Filipino Muslim brothers in the on-going Sabah violence where the lives of the Sultan's men, all Filipino citizens, are threatened with annihilation by Malaysian armed forces?” tanong ni Marcos.

Sinabi ng senador na maaari munang ipagpaliban ang paghahabol kung sino nga ba ang nagma-may-ari ng Sabah at unahin na lang muna ang pagbibigay ng proteksyon sa mga tauhan ng sultanato.

“Never mind first the debate on claims of ancestral home, historical ownership, Philippine sovereignty over Sabah, etc. Let us first establish that we, as a sovereign state, will help protect the lives of our countrymen abroad, no matter what,” pahayag ni Marcos sa kanyang Facebook account.

Sinabi ni Marcos na ang pangunahing tungkulin ng gobyerno sa mga Pilipinong nasa ibang bansa ay protektahan ang mga ito.

AQUINO

AYON

FILIPINO MUSLIM

LAHAD DATU

SABAH

SINABI

SULTANATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with