Kapitan ng barangay utas sa pamamaril sa Valenzuela

MANILA, Philippines – Utas ang kapitan ng baranggay sa Bulacan matapos siyang pagbabarilin sa loob ng garahe ng kanyang bahay sa Valenzuela City ngayong Lunes ng umaga.

Kinilala ni Senior Superintendent Roderick Armamento, hepe ng Valenzuela City police, ang nasawing si Ronald Legaspi, kapitan ng Barangay Libutan sa Meycauayan, Bulacan.

Nililinis ni Legaspi ang kanyang sasakyan nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng pagpatay sa kapitan.

Nangyari ang pananambang sa kabila ng ipinapatupad ng pulisya na nationwide gun ban kaugnay ng darating na halalan sa Mayo.

Show comments