Kapitan ng barangay sa Abra sugatan sa ambush

MANILA, Philippines – Sugatan sa isang pananambang nitong Huwebes ang pangulo ng Association of Barangay Chairmen sa Langiden, Abra.

Tinamaan sa braso si Artemio Donato Jr., kapitan ng Barangay Baac, nang pagbabarilin ang kanilang convoy sa Sitio Lipit, Barangay Nalnas-Dalayap bandang 11:40 ng umaga.

Hindi naman nasaktan ang mga kasamahan ni Donato sa naturang pag-atake.

Sinabi ni Chief Superintendent Benjamin Magalong, Cordillera police director, na inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng mga umatake kay Donato.

Samantala, hindi ikinakabahala ni Magalong ang haka-haka na baka maapektuhan ang bumubuting kapayapaan at kaligtasan sa lugar dahil sa mga balitang kaalyado ni Donato ang isang warlord clan sa probinsya.

"It will not distract us from pursuing our peacekeeping strategy," sabi ni Magalong.

Show comments