7 barangay sa NCotabato tinukoy na election hotspot

MANILA, Philippines – Pitong baranggay sa Tulunan, North Cotabato ang isinailalim ng Commission on Elections (Comelec) sa listahan ng mga kritikal na lugar sa nalalapit na eleksyon sa Mayo dahil sa presensya ng mga rebeldeng grupo.

Kabilang sa pitong baranggay ay ang Nabundasan, Tuburan, Banayal, Bacung, Bituan, Batang at Baynosa, ayon sa hepe ng Tulunan police na si Ronnie Cordero.

Sinabi ni Cordero na pinamumugaran ng New People’s Army ang mga baranggay ng Banayal, Batang, Bacung, Tuburan, at Nabundasan at may presensya naman ng Moro Islamic Liberation Front sa mga barangay ng Bituan at Baynosa.

Aniya, magdadagdag ng mga pulis sa pitong baranggay sa araw ng eleksyon sa Mayo 13.

Show comments