Grupo kay P-Noy: Ilatag ang plano para sa mga bata

MANILA, Philippines – Kasabay ng paggunita sa National Girl Child Day, nanawagan ang isang child welfare group ngayong Biyernes sa administrasyong Aquino na ilatag ang programa nito para sa kapakanan ng mga bata.

Hinamon ng Akap Bata partylist ang kasalukuyang administrasyon na linawin ang kanilang patakaran at programa upang masiguro ang kapakanan ng kabataan sa bansa.

"We dare the present administration to make clear [its] policies and programs that will truly ensure the wellness and future of girls and children in general," pahayag ni Akap Bata partylist national spokesperson Lean Flores.

Sinabi ni Flores na may 12.4 milyong kabataan ang nagugutom, limang milyong child laborers at dalawang milyong batang kalye ang mayroon sa bansa.

"We installed a life size paper doll chain to symbolize our unity to end poverty as the worst form of violence against girl children today. Proclamation No. 759 declares the Month of March as the month of girl children," dagdag ni Flores.

Tinukoy din ng grupo ang pag-aaral ng United Nations sa sitwasyon ng mga batang babae sa bansa kung saan maraming batang babae ang malayo sa kanilang bahay dahil ginagawang domestic helper, karamihan ay mula sa mga probinsya.

Dahil dito mas malaki ang tsansa nila na maabuso ng pisikal, sikolohikal at mapagkaitan ng edukasyon at tamang pahinga.

"This study clearly shows that this social context is not the kind of society that will protect our children," sabi ni Flores.

Show comments