Lalaki patay sa panananbang sa Cavite

 

MANILA, Philippines – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang 53-anyos na lalaki matapos tambangan ng dalawang armadong lalaking sakay ng motorsiklo sa Cavite, ayon sa mga pulis ngayong Biyernes.

Kinilala ni Superintendent Romeo Desiderio, tagapagsalita ng Cavite provincial police office, ang biktimang si Artemio Anyayahan ng Block H15 Lot 6 baranggay San Roque, Dasmarinas, Cavite.

Base sa inisyal na imbestigasyon, bandang 9 ng gabi nangyari ang insidente sa Barangay Cristina 3.

Isinugod pa sa St. Paul Hospital ang biktima ngunit sinabi ng mga doktor na wala na itong buhay.

Show comments