6 sasakyan nagkarambola sa SLEX

MANILA, Philippines – Matinding trapik ang sumalubong sa mga motorista sa northbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX) matapos magkarambola ang anim na sasakyan ngayong Huwebes ng umaga.

Ayon sa mga pulis, natanggalan ng kaliwang gulong sa likuran ang isang L-300 van habang dumadaan malapit sa C5 exit flyover bandang 8 ng umaga kaya naman bumigat ang daloy ng trapiko.

Dahil sa pagsubok na iwasan ang van at ang natanggal na gulong, nagkabanggaan ang anim na mga sasakyan kabilang ang isang pampasaherong bus.

Ayon sa mga tauhan ng SLEX traffic, umabot hanggang Bicutan exit ang masikip na daloy ng trapiko.

Show comments