Mock poll isasagawa ng youth group sa Maynila
MANILA, Philippines – Magsasagawa ng mock poll ang isang grupo ng mga kabataan sa university belt area sa Maynila ngayong Huwebes upang malaman kung sino ang napipisil ng mga kabataan para sa halalan sa buwan ng Mayo.
Sinabi ng Iskolar Institute for Youth and Development Services Inc., isang non-government organization, ngayong Miyerkules, na isasagawa nito ang mock election mula 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon.
Ang mga mock polling centers ay makikita sa sa Nicanor Reyes Street malapit sa Far Eastern University, S.H. Loyola malapit sa University of the East, Legarda Avenue sa kanto ng Mendiola, at F. Dalupan St. malapit sa University of Manila.
Layunin ng grupo na malaman at ipaalam sa publiko ang pulso ng mga kabataan sa halalan sa Mayo 13. Tatawagin ang mock poll na: “Pulso ng Kabataan: The 2013 Mock Election Project.â€
Nais ng grupo, na aktibo sa pangangampanya sa kapakanan ng kabataan, na makakuha ng 2,000 na mga kabataang botante sa gagawing mock election.
- Latest
- Trending