^

Balita Ngayon

4 patay ka 'Crising'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat-katao ang patay na iniwan ng tropical depression “Crising” at libu-libong pamilya ang naapektuhan ng bagyo.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang dalawang bagong nasawi ay mula sa Davao region.

Nalunod si Nelson Jeminez, 40, ng Davao del Norte, habang ang 12-anyos na si Namatyagan Namones ay nasawi dahil sa landslide sa pagitan ng San Fernando, Bukidnon at Davao Oriental.

Naunang nang iniulat ang pagkasawi nina Francisco Digaynon at Erwin Campana na kapwa nalunod habang tumatawid sa mga ilog sa Compostela Valley.

Nag-iwan din si "Crsing" ng anim kataong sugatan.

Sinabi naman ni NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario na nasiyahan siya sa paghahanda ng mga lokal disaster management offices at ng mga lokal na gobyerno.

“The local and national government made good preparations in providing early warning system and conducting preemptive evacuation,” sabi ni Del Rosario sa isang press conference.

“The four [fatalities], four injured two missing are very low. During previous incidents, the casualties [reached] hundreds,” dagdag niya.

Aniya, tinanggal na nila ang red alert status ngayong Biyernes ng umaga dahil wala na sa bansa ang bagyo.

Pero pinaghanda pa rin ni Del Rosario ang mga lokal na disaster management units sa low pressure area.

“We have alerted local disaster risk reduction management councils to prepare for minor flooding in the National Capital Region because of the low pressure area,” ani Del Rosario.

Umabot sa 183,966 katao ang naapektuhan ni Crising o 36,407 na pamilya sa 137 na baranggaysa Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN, Caraga at  Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa bilang ng mga naapektuhan 19,798 na pamilya o 96,438 na katao ang nananatili pa sa 37 evacuation centers.

Sinira ng bagyo ang 87 kabahayan sa Northern Mindanao at Davao region.

Dagdag ng NDRRMC na 1,383 katao sa 12 sasakyang pandagat ang na-stranded dahil sa masamang panahon sa Palawan, Zamboanga, Pagadian, Iligan, Bongao at Jolo.

AUTONOMOUS REGION

COMPOSTELA VALLEY

CRISING

DAVAO

DAVAO ORIENTAL

DEL ROSARIO

EASTERN VISAYAS

ERWIN CAMPANA

NORTHERN MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with