MANILA, Philippines – Mangangailangan ngayong taon ang Sultanate of Oman ng 3,288 na mga doktor at nars upang punuan ang kakulangan ng medical professionals sa kanilang bansa, ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz ngayong Biyernes.
"This latest positive development will certainly boost the chances of our highly-skilled and highly-qualified medical workers, particularly our nurses, of getting a job in Oman if they are inclined to,†sabi ni Baldoz.
Aniya, sinabi Health minister ng Oman na si Ahmed bin Mohammed bin Obaid al-Saidi kay Philippine Ambassador to Oman Joselito Jimeno sa isang pulong noong nakaraang taon na kailangan ng kanilang bansa ng mga karagdagang nars at gusto nilang manggaling sa Pilipinas ang mga ito.
Sinabi pa ni Baldoz na nangunguna sa kanilang listahan ang mga nars na may karanasan sa obstetrics, gynecology, anesthesiology, surgery, intensive care at mga doktor.
Aniya, sinabi rin ni Al-Saidi na pagdating ng 2015 ay kukulangin din sila ng 8,900 na mga doktor at nars.
Ayon sa POEA, ang isang professional nurse na nagtatrabaho sa Oman ay nakakatanggap ng sahod na US$703.79.